Feb 28, 2007

boring man


nakipaghuntahan sa akin sa chat minsan itong si josh, isang amerikano na nakatira sa isang bahagi ng estados unidos.

nakita nya ako sa guys4men at sumulat na ng pagkarami-rami. nagpadala din ng mga photos nya ng hubad, kita ang aring tila singlaki ng tower sa dam ng amsterdam at kung anu-ano pa.

nagpadala rin ng kanyang handle sa yahoo messenger at dun nakapagchat kami. isa o dalawang beses lang kami nakapagchat kasi pagkatapos non binura ko na sya sa listahan ko, inilagay sa grupo ng mga blocked at habambuhay nag-online para sa iba ko pang mga kaibigan.

assessment kay josh - mahirap paniwalaan at malabong me maganap. inisip ko nung unang beses kaming nakapag-ututang dila na parang hirap na hirap syang magpadala ng mga pictures nya kahit sabi pa nyang marami syang kuha.

o baka naman boring akong ka-chat? isang posibilidad yon.

ang buhay nga naman sa internet, napakavirtual. mahirap mapaniwalaan. parang lahat puro kasinungalingan at ride-on lang.







kahapon ang huling araw ng hindi pag-iisip


ang hirap maging interesado pag hindi ka interesado.

pag nahiga ka na sa kama, na-paste sa TV, napahilata sa sofa, natamaan ng electric fan sa tanghaling tapat habang ninanamnam ang tinanghalian, minsan mahirap nang gumalaw at kahit pa paganahin ang utak.

kahapon ang huling araw ng katamaran ko sa pag-iisip. ginawa ko ang blog na to para di ako tamarin sa pag-iisip.

mahirap pag di ka nag-iisip. wala kang ibang masabi bukod sa "maganda", "good" o "nice". hindi mo na alam ang susunod mong sasabihin sa isang intelihenteng talakayan. ni hindi mo matarok kung bakit nakakatamad ang mga kwento. o para bang napaka-mundane ng tinatalakay mo sa puntong parang hindi mo maintindihan kung bakit mo sya kinukwento.

nangangailangan ng pagbabasa ng libro, pag-alam sa mga bagay, pakikinig at pakikipag-usap sa mga tao, pagiging observant, pagiging mapanuri, pagbisita sa mga interesting na mga websites - tungkol man ito sa computer, hayup o porn, at marami pang iba.

kahapon ang huling araw ko ng hindi pag-iisip kaya kaninang umaga bago kami sumakay ng mtr nakita ko ang mosaic na ito sa jordan station. kinuhanan ko sya ng picture mula sa aking cellphone at planong ilagay dito.

ngayon nailagay ko na sya. hindi ko na nga lang nabasa kung saan sya galing, sino gumawa sa kanya, at paano nga ba magmount ng mga ganitong kelalaking opuses sa mtr.

aalamin ko sya bukas.
 
Elegant de BlogMundi