mapanghalina ang araw ngayon. malamig ang simoy ng hangin sa labas. kahit naamoy ko ang panis na laway na natuyo sa me unan (buti walang stain) ay napakamatagumpay ng aking mahimbing na pagtulog (pwera sa panaka-nakang paggising dahil sa kagat ng pesteng lamok.)
nandito pa rin ako sa mae sot, somewhere northeast of thailand. para syang baguio city ng pilipinas except kalakhan ay plains ang makikita mo. me rice fields na malawak at may mga refugee camps din (na sana ay mabisita ko ngayon, aalis na kasi ako for bangkok mamayang gabi.)
napakarelaxing at napakaganda ng mga bahay nila dito. on stilts ika nga, parang bahay kubo natin. except, para syang bahay ng lola ko sa motherside sa quisao, rizal. konkreto ang foundation at kahoy na pataas. masarap at preskong matulog sa sahig kasi malamig kahit hapon ng tanghali. presko ang hangin. fres na fres ika nga, na dumadaan sa malalaking mga bintana at mga siwang ng pader at sahig.
masarap marinahan dito. nakakawili. lalo na kung iniisip kong katabi ko si papang karen. hehehe.bukas ko na pag-uusapan ang la pe to, isang napakasarap na burmese dish. yamyam!











