Aug 29, 2008

Ang Simula at Huli ng Lahat

Yan ang moda ko two nights ago.

Bago nagbirthday si Aaron. Matapos kong i-submit ang entry kay Don. Nung pumunta ako ng Volume. Kasama sina Liz at Loven.

Matapos mahawakan ang Cambodian silk. At mabasa ang description. Maisuot at marealize na kailangang hindi na ako dapat lumaki pa. Para masuot sya.

Nung umuwi ako sa bahay. At natulog ng alas dos. At gumising kinabukasan. Pinanood ang Bergerak video documentary (na hindi pa opisyal na nailalabas).

At naglangoy.

----------

Mala-whirlwind romances ni Dolly Carvajal na ubod ng ambisyon ang mga huling araw.

Matapos akong magpanatang hindi ako makikipagtalik sa loob ng isang buwan, kuntodo ang pasok ng mga hinayupak na manliligaw mula sa kung saan-saan.

Naramdaman ko ang paghaba ng aking buhok, mala-Paraluman nung kanyang kabataan, at hinihintay si Pancho Magalona upang umakyat ng ligaw.

Isa lang naman ang habol ng karamihan.

Release.

----------

Hindi ko sila inalintana dahil nangarap akong maging isang modista. O sastre. O sabi nga ng isang kaibigan, mangarap ng higit na mas mataas. Maging katawang bakla ng dyosang si Rei Kawakubo.

Kaya hayun. Gumawa ako ng isang konsepto na kahit ako hindi ko naintindihan.

Natutok ako sa teknikalidad. Pumangit ang isinali. Nawala ang ideya sa karagatan ng nais maperpekto ang gawa.

Ipinasa ko syang malungkot. Kahit masaya ang pangalan ng disenyo: British Picasso on Patchwork.

Ramdam ko ang placing ko sa kontes na to.

Blag!

----------

Sa gitna ng kaguluhan, at maraming gawain, nagagawa ko pang magpalaboy sa internet. Makapagbasa ng blog kahit disoras na ng gabi. Makapaghanap ng posibleng makilala sa Pilipinas.

At sabihin ang aking tunay na pakay. At ang aking kalagayan.

Dito ko narealize: parang ayokong makipagtalik sa mga hindi ko kakilala sa Pilipinas.

Parang ang tanga non. Parang mali.

Parang baliw.

----------

Tulad ng mini-pamphlet na kasama ng huling isyu ng DS magazine:

Kung paano gumamit ng happy drugs (Ecstasy, Ketamine, Cocaine?) safely.

Napakamot ako ng ulo na halos ikinadugo ng aking tuktok:

Safely?

----------

Nalungkot ako dahil hindi na nagawang magmangga ang mga kaibigan ko ng sarili nilang mukha nang makita nila ang minangga kong mukha. Ito:Nawala na kasi ang link.

Pero hindi ko kasalanan.

Sorry.

----------

Parang walang kinalaman ang title sa post na to.

Wala lang.

Ito ba ang tinatawag na freewriting?

Mah.

21 comments:

mel beckham-atienza said...

On having sex with 'those guys': Hayaan mo silang mag-laway sa'yo Ate Kiks. Hihi

On Manga: ayokong subukan baka magmukha akong sadako instead of anime. Lol

On project modista: Go Go Go! Try and try until mapagod. Chos

On freewriting: mahirap yata yun kaya Kudos to you! *wink

the spool artist said...

Hey kiks! Thanks for the great time (and the free drinks) I had with you guys in HK! Twas a blast!

Haven't given the package yet to don who is still in luang prabang but you're right, Rei Kawakubo's show is still on at 798 and i completely missed it! don is gonna kill me!

cheers and good luck on the challenge!

dam-dam said...

the more abstinence, the more haba ng buhok.

go go go freewriting. with a flow.

Bryan Anthony the First said...

mabuhay ang mangga...freewriting din...

woof!

jericho said...

ay .. nagbate ang ate. chos! hehe

Mugen said...

Panalo ang manga pic ah. Hehe para sayo, ipopost ko yung manga pic ko sa ibang website sa aking blog.

Lyka Bergen said...

Flight of Ideas.... naloka ka na ba Lola sa isang week na walang sex.

Withdrawal ba toh? Mag Neozep!

kalansay said...

parang pagtatae lang ng bolpen ang drama. susyalan.

talaga tiya kiks uuwi ka dito sa pinas? ;)

-kalansay

Keitaro Hanazawa said...

Ang haba ng hair at pinagkakaguluhan! Lol! Mukhang masyadong busy ha?

Nakakatuwa naman ang manga.:)

burrito said...

hi kiks, di ko alam kung naitanong na ito dati, pero curious lang ako -- open ka naman sa pagiging hiv+ and at the same time, healthy and active pa rin ang sex life mo. bago maganap ang pa ang umaatikabong bakbakan sa kama at kung saan-saan pang pwedeng makipagbakbakan, sinasabi mo ba muna sa kanila ang status mo bilang hiv+? or pagkatapos na? at kung sinasabi agad sa kanila, may cases ba na may umaatras sa kanila?

o diba, parang nasa the buzz lang! chos!

bananas said...

gusto ko rin ng freewriting. ang nagagawa nito ay paralg wala lang. parang ang sarap intindihin pero ang sarap din nong hindi mo ito makuha. pero alam mong buntis ito ng maraming bagay. pero hanggang buntis na lang kasi pag nanganak na, at nakita mo ang anak--at naramdaman mo ito, at nahawakan--wa na. hindi na masaya.

wanderingcommuter said...

ang haba nga naman talaga ng buhok mo kung ganun. well, minsan dumadating ang mga bagay kapag hidni mo sila hinahanap... naisip ko, baka pagod na silang magtago, kaya nagpapakita na dahil akala nila sumuko ka na...

dabo said...

rey... ewan ko kung ibubuhol kita pagnakita kita... hahhaha! nagulat ako sa dulo.. free writing pala, kasi napaka-seryoso kong binabasa ang nakasulat.. hahahaha

--- --

sabi ko dun sa isang blogger, na nag free wriitng din, mag-freewriting din ako pag may nabasa pa ako na isang nag-freewriting..

Sexymoi said...

weow... ang haba ng buhok... mga temptations talaga. habang iniiwasan, lalong lumalapit hihihi...

dazedblu* said...

Hehe, [I] thought of something diff while reading, to end it wit a free writing stuff XD

yffar said...

"Nalungkot ako dahil hindi na nagawang magmangga ang mga kaibigan ko ng sarili nilang mukha nang makita nila ang minangga kong mukha"

isa ako don...

hahahhaha

Kiks said...

kumusta sa inyong lahat?!!!

susulat ako dito pagkatapos kong magpost.

Gibo said...

i heard nirampa mo ang DP collection sa volume....winnur!

withdrawal syndrome din kaya?

The Zen Bitch said...

hmn, stream of consciousness writing... hindi ko pa yata nasubukan yan nang walang alkohol o iba pang pharmacological agents. chos!

pero panalo, i can sense order in chaos in this post.

by the way, someone sent me a link to the manga chenes. will post my manga fez in my new post today.

peace pow!

kiel said...

ano ba ang gamit mong shampoo kiks at makabili ng mahawahan ng haba ng buhok?

Lei said...

wow. saan nagagawa ung ganung muka? ung minagga na muka? ang cute.

 
Elegant de BlogMundi