Sep 18, 2008

Manilancholia

Maraming posibleng dahilan kung bakit ako dapat mabahala ngayon.

Wan, Walang Panahon sa Blog
Ilang araw nang ganito. Gising sa umaga. Baba sa hapag-kainan. Magtry humitit ng kakapiranggot na unsecured wi-fi ni attorney sa kabilang bahay para makapag-internet. Walang masasagap kahit second-hand smoke. Maliligo. Didiretso sa temporary office na malakas ang wi-fi pero habambuhay na menopausal ang lalaking webmaster.

Makaka-connect pero palaging gmail at Eudora lang ang laging nabibisita. Online sa Googletalk, YM, MSN at Skype pero walang chatting.

Nakailang post na sina Jericho, Girard, Kiel, Mugen, Dabo at Kei. Nakailang adbentyurs na si Gibo. Nakailang fashion diaries na si Don. Nakabalik na si Ruff. Me next episode na ang Rosas at si Karina Montefalcon. Lumabas na rin ang resulta ng PR LTE ni Lyka.

At di man lang ako nakapag-comment. At. Hindi. Man. Lang. Ako. Nakapag. COMMENT!

Bago ang huling mammoth post, nakita ko na lang ang aking blog sa lowest depths ng blog roll ng ilang mga blog friends.

Chu, Walang Panahon sa Health
Ilang araw nang ganito. Gising sa umaga. Baba sa hapag-kainan. Magtry magsuot ng pang-jogging.Titingin sa orasan at makikitang 8:00AM na pala. Didiretso sa temporary office na may malapit at murang kainan at lalapang ng buong giting.

Isang beses lang naganap ang running. Sa UP Diliman. Na-meet si Sarah Raymundo na me kasamang estudyante na out of the blue na sinabing estudyante sya ni Sarah. Tinignan ko lang sya, ngumiti at tuloy sa pakikipag-usap kay Sarah.

Isang araw, nalaman kong me swimming pool sa Amoranto. Naghanda ako. Pagdating ko ng 8:00AM, 9:00AM pa raw sila magbubukas. Naghintay ako. Me dumating at nagsabing sarado sila pag Lunes. Tinanong ko kung kelan pa sila sarado, sabi ni Gardo Ermingard (guard sa salitang bayot) na pag may nakasabit na RESERVE. Kelan yon, kako. Pag nakita ko na lang daw.

Sa Sta. Ana me swimming pool din. Pero kulay wasabi.

Nakalimutan ko rin one time ang pakikipaghuntahan kina Kaletra at Kivexa. Tyak na maloloka na naman si Kenny, ang aking dactor from the KB (Kowloon Bay kung saan makikita ang MEGABOX Department Store at ilan pang mga factory outlets ng mga kilalang brands except Martin Margiela at Comme de Garcon.)

Twi, Walang Panahon sa Wealth
Ilang araw nang ganito. Gising sa umaga. Baba sa hapag-kainan. Magbihis matapos kumain. Mapangahas na pagtawid sa makamandag na Quezon Avenue kasi walang malapit na overpass. Bayad ng PHP20 sa tricycle. Bayad ng PHP60 sa lunch.

Okey lang naman. Pero karaniwan. PHP1,000 sa isang tanghalian. PHP500 sa isang hapunan. PHP200 sa taxi.

Hindi lang ako ito. Kasama ang mga kaibigan, kamiting, kapamilya, kapuso at mga mahal sa buhay.

Namili ako minsan sa Parco. Kendi. Cupcakes. Kalabasa seeds. Jellyace. Jus. Presyo: PHP400.


Marami akong dapat ikabahala ngayon. Ang pag-amin ng mga compulsive liars sa US na economically depressed sila. Ang gyerang nagaganap sa Mindanao. Ang tila standstill na kalagayan ng demokrasya sa Burma. Ang pagdoble ng mga may HIV+ sa Maynila at ang fact na age range nila ay 18-26.

Na call centers pa rin ang puntahan ng mga graduates. Ng mga undergraduates. Ng mga professionals.

Maraming dahilan para mabahala. Pero ayokong magsawalang-bahala.

Walang magagawa si batman.

25 comments:

kawadjan said...

natuwa ako sa post mo. ang cute ng format. kainis ka sa effort.

pero natakot ako dito: "Ang pagdoble ng mga may HIV+ sa Maynila at ang fact na age range nila ay 18-26."

sabi ko na nga ba eh. kase naman sa atin talagang parang wala pang nakakarinig ng condom. slamat sa DOH at sa arsobispo no.

mel beckham-atienza said...

Go lang ng go ate Kiks. No pressure. Oi, malapit nang matapos ang 'promise' mo. Hihi

jericho said...

ang taray.. career woman, working girl, busy as a B(ayot). chos!

Mugen said...

Maraming dapat ikabahala. Minsan iniisip ko tuloy kung ano ang meron sa hinaharap.

kabiruan said...

Sampung Bagsak!!!

kiel said...

huy - ako rin wala ng oras sa blog. my next post is one week overdue. huhuhu

pero natawa ako sa ilang pasaring mo sa opis.

The Zen Bitch said...

hay. hindi nga kakayanin ito ni batman.

afraid...

boying said...

time flies. :(

take your time. :)


"time is an illusion."
-albert einstein

Lyka Bergen said...

Wag patayin si Robin... kasi am sure magiging sad ang mga Batmen.

mrs.j said...

its time to change things!



charot!

Bryan Anthony the First said...

dapat kasi wag kay batman umasa, anjan naman si wonder woman o si varga man lang

Looking For The Source said...

ha ha ha. funny.

ganun tlga ang life.

bloghopping here.. he he..

fuchsiaboy said...

nag tumbling ako sa kakatawa sa post na ito!

at chica pa raw na marami sa mga HIV infected eh sa call center nagtatrabaho.

AT! Anu ang laman ng Megabox na yan, at anu ang mga factory outlets na sinasabi mo?

May factory outlet ang Comme except ang tawag eh CdG Guerilla Store. Mahal pa rin. Sa Singapore nga lang. :(

Gayzha said...

Hoyyy... hwag kalimutan kumain ng banana Q... miss ko na yan again!

Ate Sienna said...

hayyyyyyyyyyyyyy....

yun lang!

the spool artist said...

napa standing ovation ako sa post mo kiks... pwede ko tong inominate sa Palanca Awards...

enjoy the miseries of the philippines as much as you can... when you're back in HK, you'll gonna blog about how you miss them...

cheers!

dazedblu* said...

Haha, nakakatuwang basahin.. miss reading yer blog XD

Empress Maruja said...

At dahil diyan, dapat nang bilisan ang pagpasa sa Reproductive Health Bill. 'Yun na!

dabo said...

naloka ako sa wasabe na swimming pool hehehe at buhay na si ruff..huwaw! macheck na ulet bloggie nya!!

--- --

talaga, nadoble na ang HIV count sa Manila.. sabi ni dyingyoung a few months ago (mula sa g4m).. sa mga nadagadag daw na hiv positive sa atin ay galing sa call centers.. mga halos bata ta may itsura pa daw yung iba..

dabo said...

anyway... i miss your blog a lot..kayo nina gibs at kuya jericho.. halos nabakante ako ng two weeks..

i am nobe. said...

yeah, what kind of future will my son have in this world kung ngayon palang ganito na ang mundo. :(

love,
nobe

www.deariago.blogspot.com

Sexymoi said...

nakakaloka yung sa number ng mga may HIV. mas naloka ako na galing sa call centers... and yes, sobrang mahal ng lahat ng bagay ngayon. i swear... kahit anong work ko sa tax lang napupunta at di ko man lang maramdaman ang benefits ng gobyerno. :(

Mico Lauron said...

Kiks, idol, kmusta na? tagal ko ding nawala... hahay.... missed a lot sa blog mo..

pat said...

nakakatawa shet.

c u sa 26th!

Anonymous said...

"ang habambuhay na menopausal ang lalaking webmaster". mukhang kilala ko ang webmaster na ito! at mukhang laganap nga ang ganoong sapantaha sa kanya... heheh.. tingin ko kulang lang sya sa .... :)

 
Elegant de BlogMundi