Oct 23, 2008

GULP! Grace Under Lotsa Pressure

Ayokong magblog ng stress.

Lalo na't marami sa mga blogger friends ko ang sad and separated.

Lalo na't marami sa mga kasama ko sa conference hosting committee ay either may sakit, may emote o naglalaba ng damit.

Lalo na't marami sa mga international participants ang nagrerequest ng dagdag sa subsidy ng kanilang air fare NG mahigit 100US$ EACH! EACH!

Lalo na't marami pa ring papers ang hindi napiprint at tila pupugak-pugak pa ang photocopier na tila ba noong kapanganakan ko nadiscover.

Lalo na't marami pang dapat bayaran at puro utang na libu-libo ang hawak kong pera.

Lalo na't singkapal na ata ng Cream Silk Revitalizing Conditioner ang plema ko sa lalamunan, lungs at wherever.

Lalo na't overpopulated na ng kamot ang bruised braso ko, ng black heads ang pimpled pisngi ko, ng kalyo ang ginger feet ko.

Lalo na't marami pang dapat gawin na hindi pa nagagawa. Lalo na't marami pang dapat kausapin na hindi pa nakakausap.

At wala pa ang gagawa. At wala pang makikipag-usap.

Kung hindi ako. Sa ngayon.


Wag sanang kumulot ang buhok ko, bumagsak ang luha ng bigla-bigla at magtatakbo sa kahabaan ng Quezon Avenue.

Kaya ko 'to.

----

Nagawa nga ng mga baklang tumindig ng maayos at me dignidad mula sa pagkakasadlak sa putikan dulot ng pagtulak sa kanila ng hindi naman sinasadya kahit sinasadya ng mga mahal nila sa buhay.

Nagawa nga nilang magpahid ng luha gamit ang naputikang kamay.

Nagawa nga nilang ngumiti at manatiling maganda.

May ganda sa dignidad. May ganda sa pagbangon. May ganda sa pagtindig.

Talo pa si Miriam Quiambao.

15 comments:

Mugen said...

Good luck sa iyo. Ibangon mo kaming mga sawian. :)

MANDAYA MOORE: Ang bayot sa bukid said...

ayoko munang bumangon. nasasarapan ako sa putik. chos!

blagadag said...

nakabangon na ako pero patindig pa lang. ganunpaman, nakahanda na rin ako sa muling pagkalugmok at pagbangon muli.

sa conference na walang pera at logistics, isipin mo na lang na na kung hindi ikaw, dapat yung ibang mong kasama. pero wala kamo sila? tiian mo neng!

or better yet, patulungin mo yang mga nanghihingi ng dagdag na pera. anong akala nila sa yo? cash dispenser? aba eh, dapat pala, sumali ako dyan.

Luis Batchoy said...

at pag di na talaga kaya...alam mo na ang dapat gawin...lunok ng bato sabay sigaw ng


DOORKNOB!!!!

dam-dam said...

masarap sa lusak!!! masarap maging sawi!

The Zen Bitch said...

good luck and more power to you kiks!

sure ako na kaya mong i-maintain ang GUP (grace under pressure) sa harap ng sangkatutak na mga kaimbyernahang yan...

kiel said...

bukod sa - 'kaya mo yan!' na maaring ayaw mo nang marinig, pwede ka namang humingi pa ng tulong. ne, nandito lang kaya ako sa kabilang table...

wanderingcommuter said...

minsan masarap talagang humiga at ilapat ang likod sa lambot ng kama at ipikit ang ang mabigat na mga mata... haay... nang iinggit ako. hahahaha....

you deserve too rest, kahit ang bayan nagpapahinga rin... lalo na kapag may laban si pacquaio...

mrs.j said...

for a change..

tma na yan te..
di mo kaya

choz!

i know ur strong.. tiis ganda lang...pagkailangn mo ng inuman dito lang ako!

jericho said...

kaya mo yan bakla. kung hindi mo na kaya .. eh di kung ano ang kayanin. tarayan mo na lang anyone who'll dare begrudge you for that. basta wag mong kalimutan ... ang mga pasalubong sa akin pagbalik mo dito!

karla said...

ateng, kakayanin mo yan. pero makakaabot kaya ng miyerkules ang piyesa? let me know. mwah.

Ate Sienna said...

ayoko ng putik, ayoko ng libag, ayoko ng mainit, ayoko ng amoy-pawis!!!!!

hoist... wag din masyadong ikarir ang mga things-to-do. remember, kailangan mo pa rin alagaan ang sarili mo. hindi maganda ang sobrang stress sa mukha - dumadami ang wrikles at blackheads.

labyu!

Looking For The Source said...

enjoy the pressure.

soon, when everything's done, ansarap ng feeling.

kaya mo yan!

daanin sa ganda!

dazedblu* said...

Happy Halloween -->
Happy Weekends XD

Sexymoi said...

dapat mag beauty rest... :D

 
Elegant de BlogMundi