Nov 21, 2008

Dating


Hindi ako maarte pero gusto kong makipag-date.

Gusto kong pag-aralan kung paano ba maghanda para sa isang date – late night movie at Rockwell man o dinner sa may estero ng Escolta.

Mula sa dami ng toothpaste na ilalagay sa sipilyo hanggang sa mismong pagpaplantsa ng medyas at ang pinakamalinis at bacon-free underwear.

Mula sa pagme-mental outline ng mga topics for discussion hanggang sa amount of haha’s na lalabas sa bibig kapag tumawa (with the right level of modulation.)

Mula sa pag-aaral ng tama at di nakapupuwing na pagtingin sa mga mata hanggang sa wastong paghalukipkip sa palaging pumipilantik na mga pinkies.

At marami pang iba.

Nasanay kasi akong makipagkita sa mga taong walang pakialam kung magkaterno ang sinturon at sapatos, tikom ang bibig kapag nakikipag-usap o hindi nakikipag-eye contact dahil laging nakapikit.

Nasanay akong makipag-usap sa dilim. O hindi makipag-usap. Nasanay akong makipag-flirt sa taong hindi ko nakikita. At walang saplot.

Ngayon, gusto kong ma-experience ang ibang level ng pakikipag-niig. Kung saan ang national costume ay mahalaga at plantsado (10%), signipikante ang talent sa pagiging on-time at iba pang good manners at right conduct values (20%), skill sa question and answer portion (30%), at ang mismong audience impact with matching personality to boot (40%).

Syempre, finding the date is a different thing. Isa sa mga bagay na hindi masasagot ni Madam Kollerman.

17 comments:

mel beckham said...

Mahirap na pala ang Dating ngayon. So many things to consider. =p

jericho said...

ay... matapos ang lahat .. ngayon ka pa nagdadalaga.. hehe

Mugen said...

Kaya ako kahit single, absolutely no dates for me.





At sarado rin ang puso ko sa mga boys. Sa mga gerls, pwede pa. Nyahahaha.

Ate Sienna said...

hmmmm... masarap makipag-date pero after awhile nakakayamot na kapag laging date lang. you'd feel the need for a more stable and comforting relationship.

G said...

ayy..kakantahan kita:

"dalaga ka na
hindi binata,
nakakapanibago,
maraming pagbabago"

*sabay abot ng modess sa dalaginding*

o sya, i organise ko na ang debut partee mo.

kawadjan said...

ay, ay, ay. nararamdaman ko ang longing. maganda ang mundo ng dating. nakakaaliw. wag lang karirin kase marami ring disappointments. date for dating's sake lang dapat ang approach.

ay, ay, ay... ayoko kong mag process here. ym mo ko one of these days. mag processing tayo. may fall-winter discount ang services ko. sunggaban na.

choz!!!

kiel said...

akala ko sino ang dumating...

hayyy, exciting yang mind frame na yan. go go go

Sexymoi said...

gusto ko rin makipag date :(

PinoyPoz said...

ahem, ahem... ako, walang ka-date... :-)

The Zen Bitch said...

di ko na yata alam kung ano ang feeling nyan... pero i'm sure, kung anumanyan e lilipas din yan, ching! ampait koh!

acey said...

oh my gosh, kiks, i love the mr univese criteria! true.

i hope you find the perfect date/man for you! :*

dabo said...

seriously.. bakit parang James Bond ang hinahanap mo hehehe

Kiks said...

because, dabo, seriously, i want daniel craig.

but i have my own james right now. ;-)

nam / butch said...

mr right just called. mali daw ang pinuntahan mong venue. napagod sia sa kahihintay. hayun, umuwi na lang. ipinaabot niya ang mga gumamela.

Jase/"Gayzha" said...

Hi Kiks...

You are the first to arrive in my blogger blog ... congratulations!

Your next challenge: TO WRITE A POST about S-E-X!

Sex!

kalansaycollector said...

hi tiya kiks! haha

hmm sana makaexperience ako ng date. well kasalanan ko rin siguro hindi ako naghahanap gusto ko kasi dumarating. hehe

ruff nurse-du-jour said...

i miss that traditional, make sundo sa bahay, make paalam sa parentals, make kain at some fine dining restos, and then, when lucky, make that trip to the heaven, type of date.

it has been a while since i have that kasi eh.

hahaha. hai naku, sweet sweet memories of my childhood past.

kiks, we should meet. again! :-)

 
Elegant de BlogMundi