Nangyari ang lahat sa 7-11.
Nakalimutan kong gatasan si Puti noong Martes kaya napwersa akong magkandirit sa 7-11 sa tapat ng opisina namin para bumili ng Kowloon Dairy Fresh Milk.
Habang tumatawid, inisip ko ang lahat ng kabanidosahan ko sa buhay: ang pagpapaganda, damit na panglamyerda, shoeses, etc.
Parang ang gastos ko. Actually, walang parang. Naging magastos ako.
For vanity, I spent. For vanity, I wasted. For vanity, I indulged.
And at some point I felt sad. I felt incomplete without these things. these, according to Andrea Saks, "stuff".
Hanggang napadpad ako sa 711 na walang pintuan. At nakita ko si Kuya.
Walang Kamay.
Umattack sa refrigerator at kumuha ng dalawang cartons ng Vita Chocolate, inilapag sa cashier's area, binuksan ang bag nyang black at naglabas ng 10 dollars.
All the time, nakangiti sya. Malay ko kung masayahin o malungkutin syang tao, pero nung moment na yon, parang isa sya sa mga kandidata ng Miss Happiness 2008.
He was without cares. And I was. He felt complete. I didn't.
And he made me. Complete. Happy.
I did not bring my camera with me but that ephemeral scene would have be kept forever in my own memory card.
May mga bagay na hindi kailangang i-print. O bilhin. Para maging masaya.
MERRY CHRISTMAS EVERYONE!

6 comments:
emote nga! bongga!
you know that i always pray for your happiness and safety...
merry christmas kiks.
and that one's from my heart.
ouch.
ayoko munang umemote. hihi
merry christmas ate kiks!
mwaaahhugs
Maligayang Pasko!
bumili ka rin kaya ng Vita Chocolate? Baka yan ang secreto.
nakakatuwa ang blog mo. may konting kirot ang sinulat mo.
manigong bagong taon!
Post a Comment