Feb 26, 2008

Blag!

A.bba Banci, have you any chu?
Amscha. Amscha. Three bags fou.


Oo, inaamin ko, matagal akong nawala. Kaya heto't magkukwento akong muli. Babalik sa limelight ng gay blogging community: magsusulat, magcocomment, mamamahagi ng mga kimching gawa sa China.

Kimching gawa sa China. Alam ko na yan dati pa pero pinalakas pa nang aking matikman ang inihanda ng mga stewardess sa Korean Air.

Korean Air. Yan ang aking sinakyan papunta sa kinalalagyan ko ngayon. Dito. Sa Canada.

Canada. Lecheng lamig yan. Ang daming nyebe. Ang daming yelo. Snow pa ng snow.

Pero naexcite naman talaga ako. In fairness. Itinatapat ko ang aking swagging dila sa snow falling on cheddar upang madiscern kung maalat, mapait o matamis nga ba sya.

Imposibleng maging maanghang otherwise liligaya ng lubos ang mga Indian Panang namamayagpag dito sa Brampton. Empresang Maruja (new expression!), feeling ko nasa River of Ganges ako sa zebrang dami ng mga nagtatatampisaw sa public pool kagabi.

Kung san dinala ako ng aking niece. Na may kapatid pang isa. Na anak ng ate ko. Na may ari ng bahay na tinutuluyan ko. Kung saan nakatira ang asawa nyang si Shrek. At ang dalawa kong pang shupatid. Na laging kasama. Sa pagbisita kay fudra.

Ito ang Bikolano aspect sa Adbentyurs ng Baklang Aktibista: ang familia at si fudra.

Kaya ako nawala. Naghanda ako.

One for my keke
One for badet
One for the fudra who's now in Church Stret.

Feb 15, 2008

Feb 11, 2008

Karir

Pagbigyan nyo na ako.

Totoong kinabog ng ZTE scandal ang kahit pa pinagsama-samang scandals nina Edison Chen, Gabrielle and lahat ng nais umepal sa page 6 ng Daily Express o Philippine Star.

Totoong nilampaso na naman ng mga shalang OFDebelyus all over the WOOOORLD ang mga hitad sa DOLE, POEA and everywhere else in the gavernment regarding the screamingly immoral, avariciously corruptional policy on direct hiring of Pinoy migrants.

Pero wit yan ang focus ko ngayon.

Pagbigyan nyo na. Bakla lang po.

***********************

So natuwa ako sa kwento ng isang bagong kc* tungkol sa kanyang lovelife. Kung paano nagstart sa chuvang nakuha-ko-ang-number-mo-mula-sa-
friendivang-hindi-mo-pa-nakikita-sa-buong-talambuhay-mo hanggang sa umabot ang karir sa ibang level - outside philippine soils.

Deadma na kung out ba sila sa family o waz. It's either too early or they're too young to problematize the chuva issue.

For that, nainspire akez. And again, for that, one of a few t-shirt designs na kinarir at lumabas sa photoshop.


Next time, ang Bawal Umihi Dito ni Red ang kakaririn ko.

*kc ay isang coined word ng isang bait friendiva na ayon sa kanya ay pinandidirihan ng iba pang mga friendivas. well, kc pa rin, meaning ka-close. syasya, cheezy na kung cheezy.

Feb 9, 2008

Ondakiksbak

Been slacking lately.

Feeling and thinking really lazy like "eat, drink and be lazy because tomorrow you shall eat, drink and still be lazy."

There was no motivation to read the news or anyone else's blog. Even the easier ones to read, I didn't. I refused to take any responsibility even to comment. I just couldn't. And with that, a sabbatical leave to boot.

At nilampaso lang ako ng aking kaibigan. In English, he mopped me.

That is just scorpio hibernation. Like limbo mode. Like living by the day like there is no tomorrow. Like life is bland as a day-old double cheeseburger wasting time on the dinner table. But sooo convenient. Easy. Very easy yet so hard.

Je is raging about a crappy government policy and here you are doing nothing.


Kaya ayon. So there. I was slapped back to reality.

Gusto ko pa sanang mag-intellectualize pero walang sense. Depression is just an excuse to make rationalized excuses. Or worse, do nothing.

Feb 8, 2008

A.BBA On Leave

Me nagaganap kaya kinakailangang tumalilis ng A.bba.

Indefinite leave.

Pero magbabasa pa rin. Kung kakayanin.

Naku, hindi sya eligible sa Pinoy Blog Superstar for February. Haaaay.

Feb 6, 2008

Marica tuuuuuuuuuuuuuu

Ito ang lubos na nagpaligaya sa buhay namin ni Je sa panahong malungkot at walang kalatuy-latoy ang Hong Kong.

Ngayon, ilang beses nagsaboy ang bait ng glitters?

Feb 4, 2008

Discovering Bait

Pagkamulagat: Ha?
Gulo ng isip: Ano ba ang nangyayari?
Hindi pagkatuto: Hindi nga...
Liberation: Sa wakas! It's about time.
Redemption: Sabi ko na nga ba't...
Pagtawag sa isang higher being: OMG! OhMyF*^%$#@*G!

Ilan ito sa napakaraming emotionally-charged reactions na maiisip o masasabi mo kapag nalaman mong bait* ang isa mong kaibigan. Whether sa isang isplukan habang nag-iinuman , pag-chance upon sa blog, website o daan ng isang nilalang, o sadyang pagdantay ng kanyang kamay sa iyong nanlalamig na binti o balikat, ibayong pagkagulat, pagdadalamhati o mala-Manny Pacquiao reaction na "Thank to the Gads!" na lang ang titilamsik mula sa iyo sa bawat Magellanic discovery.

Halu-halong ganito ang naganap sa aking kaibuturan noong Byernes. Umaga pa lang, tila naka-tune in na ako sa Discovery Channel habang inilalatag ng mga kaibigan ang mga recently nagcome out sa maligayang mundo ng bahaghari.

Raymond Gutierrez

"Mama, I am one of you now."

Ito ang unang mensaheng bumulagta sa akin matapos mag-automatic log-on ang aking YM. Isa sya sa mga student journalists na nabigyan ng training noon, nakasama sa napakaraming conventions at eventually ay nahikayat maging socially aware and involved.

Mama ang tawag nya sa akin, katulad ng pagtawag ng napakaraming girl, boy, bakla, tomboy na mamamahayag pangkampus sa buong Pilipinas. Malaking mama pa sya noon - towering at 5'9" at stocky ang built. Mahaba ang buhok at husky ang boses.

"Kelan pa?"

"Matagal na. Nito lang ako nagcome out. Alam na rin ni Evelyn (ex nyang hindi magkandatuto kapag wala sa tabi nya noong sila pa.)"

"At bakit hindi ko alam yan? Me karelasyon ka na ba?"

"Meron na po. Going strong naman. Three months na kami."

"Open relationship ba kayo?"

"No. We try to be loyal to each other."

"Baka naman sinasabi mo lang yan kasi ako ang kausap mo."

"Hindi naman, mama. We learned a lot from you."

Lecheng batang 'to eh never nga akong nagkarelasyon. Pero deadma na. Nagkwento na sya tungkol sa long, arduous and tricky path to coming out. Maligaya naman daw sya ngayon. He is more expressive and creative daw lalo na't indie film ang kinakarir nya ngayon.

Ipinakita nya ang bagong picture through his avatar. Mukhang matangkad pa rin. Mahaba pa rin ang buhok pero medyo stylish. Pero lean na ang bata. Swimmer type.

Haaay, kung hindi lang ako ang ina mo, ako na siguro ang bagong Demi Moore sa buhay mo.

Aiza Seguerra

Tungong straights bar naman ng gabing iyon.

Kung hindi lang sa lalaking pinakamamahal ko, hindi ako pupunta sa pugad ng mga puting tuwid at naghahanap ng lay pagdating ng alas dose.

Habang kausap ang mga luma at bagong kaibigan, nagkatinginan kami ni Aiza at lubos na naligayahan sa muling pagkikita namin. Aalis na rin pala sya at papuntang Africa. Doon na daw sya madedestino at sya lang mag-isa ang fafly.

"How about John?"

"Oh it is all fine. I'm sure there is wi-fi in my place of work."

"Well, that is good then. You won't be missing each other."

"We won't. By the way, this is Barbie, my girlfriend."

Sabay halikan. Umaatikabo. Habang kaharap ako. Sa loob ng straights bar.

"Zennnnnnnnnnnn!"

Deither Ocampo

Habang pinipigilan ko pa ang pagkaliyo mula sa aking nasight, namayagpag na kami ni Je sa pinakalamalapit na istasyon ng tren patungong Causeway Bay, ang bagong pugad ng mga lesbyana.

Pero hindi lesbyana ang pakay namin. Mababait naman sila pero hindi sila ang pakay namin.

Mga bait ang kakaharapin, makakaututang dila, makakatsikahan, makakainuman, makakatawanan at lahat ng pwedeng pang makaka-anuhan.

Paglanding ng paa mula sa lift, mahahabang pilikmata na ni Ryeness ang aming natunghayan. Napangiti na kami - ang ganda ng bakla! Papasok pa lang kami sa loob ng flat, dinig na ang mala-milyones sa dami ng mga bait na nakalabas ng gabing iyon. With pearly whites out na - ang dami nga talagang bakla! Pagkakita sa kanila, humahalakhak na ako sa lubos na kaligayahan.

Maraming nakilala. Maraming nakatsika. At maraming bagong discoveries. Hindi ko na sasabihin kung sino sila. Pinaligaya nila ako. Kahit hindi nila alam.

All through the night, kahit naligwak ako sa kauna-unahang MG na sinalihan ko, naka-Gloria Diaz smile ako.

Sarado ang mata. Mahaba ang pilikmata kahit hindi. At bukang buka ang bibig, kita ang ngipin.

Kahit mahirap, masayang maging bakla. Masayang maging bait.

(Ngayon naiintindihan ko na si Archyomedechorvita nung sumigaw sya ng: Eureka! Nung nalaman nya sigurong bakla si Plato: Ay, baiiiiit!)
-------------
*bait (pronounced like bait in fishbait) is the new word for bakla. In swardspeak, i is the contraction of y and o. So the word "bayot" would actually be "bait". Medyo colehiyala ang dating pero keryo na.

Feb 1, 2008

A Site To Behold

How can one not be engulfed and smitten by the beauty and grandness of life that someone else's eye captures and keeps alive digitally forever?

I met this someone from someone I have met some hours ago. All three of us have it, if you know what I mean.

According to him, this someone alleged nature to be talking back to him. After seeing these photos, he never wondered anymore.
I never did either. Now, I will never look at the sun, anyone or anything the same way again.

Siiiiigh.
 
Elegant de BlogMundi