Bago nagbirthday si Aaron. Matapos kong i-submit ang entry kay Don. Nung pumunta ako ng Volume. Kasama sina Liz at Loven.
Matapos mahawakan ang Cambodian silk. At mabasa ang description. Maisuot at marealize na kailangang hindi na ako dapat lumaki pa. Para masuot sya.
Nung umuwi ako sa bahay. At natulog ng alas dos. At gumising kinabukasan. Pinanood ang Bergerak video documentary (na hindi pa opisyal na nailalabas).
At naglangoy.
----------
Mala-whirlwind romances ni Dolly Carvajal na ubod ng ambisyon ang mga huling araw.
Matapos akong magpanatang hindi ako makikipagtalik sa loob ng isang buwan, kuntodo ang pasok ng mga hinayupak na manliligaw mula sa kung saan-saan.
Naramdaman ko ang paghaba ng aking buhok, mala-Paraluman nung kanyang kabataan, at hinihintay si Pancho Magalona upang umakyat ng ligaw.
Isa lang naman ang habol ng karamihan.
Release.
----------
Hindi ko sila inalintana dahil nangarap akong maging isang modista. O sastre. O sabi nga ng isang kaibigan, mangarap ng higit na mas mataas. Maging katawang bakla ng dyosang si Rei Kawakubo.
Kaya hayun. Gumawa ako ng isang konsepto na kahit ako hindi ko naintindihan.
Natutok ako sa teknikalidad. Pumangit ang isinali. Nawala ang ideya sa karagatan ng nais maperpekto ang gawa.
Ipinasa ko syang malungkot. Kahit masaya ang pangalan ng disenyo: British Picasso on Patchwork.
Ramdam ko ang placing ko sa kontes na to.
Blag!
----------
Sa gitna ng kaguluhan, at maraming gawain, nagagawa ko pang magpalaboy sa internet. Makapagbasa ng blog kahit disoras na ng gabi. Makapaghanap ng posibleng makilala sa Pilipinas.
At sabihin ang aking tunay na pakay. At ang aking kalagayan.
Dito ko narealize: parang ayokong makipagtalik sa mga hindi ko kakilala sa Pilipinas.
Parang ang tanga non. Parang mali.
Parang baliw.
----------
Tulad ng mini-pamphlet na kasama ng huling isyu ng DS magazine:
Kung paano gumamit ng happy drugs (Ecstasy, Ketamine, Cocaine?) safely.
Napakamot ako ng ulo na halos ikinadugo ng aking tuktok:
Safely?
----------
Nalungkot ako dahil hindi na nagawang magmangga ang mga kaibigan ko ng sarili nilang mukha nang makita nila ang minangga kong mukha. Ito:
Nawala na kasi ang link.Pero hindi ko kasalanan.
Sorry.
----------
Parang walang kinalaman ang title sa post na to.
Wala lang.
Ito ba ang tinatawag na freewriting?
Mah.








