Maraming posibleng dahilan kung bakit ako dapat mabahala ngayon.Wan, Walang Panahon sa Blog
Ilang araw nang ganito. Gising sa umaga. Baba sa hapag-kainan. Magtry humitit ng kakapiranggot na unsecured wi-fi ni attorney sa kabilang bahay para makapag-internet. Walang masasagap kahit second-hand smoke. Maliligo. Didiretso sa temporary office na malakas ang wi-fi pero habambuhay na menopausal ang lalaking webmaster.Makaka-connect pero palaging gmail at Eudora lang ang laging nabibisita. Online sa Googletalk, YM, MSN at Skype pero walang chatting.
Nakailang post na sina Jericho, Girard, Kiel, Mugen, Dabo at Kei. Nakailang adbentyurs na si Gibo. Nakailang fashion diaries na si Don. Nakabalik na si Ruff. Me next episode na ang Rosas at si Karina Montefalcon. Lumabas na rin ang resulta ng PR LTE ni Lyka.
At di man lang ako nakapag-comment. At. Hindi. Man. Lang. Ako. Nakapag. COMMENT!
Bago ang huling mammoth post, nakita ko na lang ang aking blog sa lowest depths ng blog roll ng ilang mga blog friends.
Chu, Walang Panahon sa Health
Ilang araw nang ganito. Gising sa umaga. Baba sa hapag-kainan. Magtry magsuot ng pang-jogging.Titingin sa orasan at makikitang 8:00AM na pala. Didiretso sa temporary office na may malapit at murang kainan at lalapang ng buong giting.Isang beses lang naganap ang running. Sa UP Diliman. Na-meet si Sarah Raymundo na me kasamang estudyante na out of the blue na sinabing estudyante sya ni Sarah. Tinignan ko lang sya, ngumiti at tuloy sa pakikipag-usap kay Sarah.
Isang araw, nalaman kong me swimming pool sa Amoranto. Naghanda ako. Pagdating ko ng 8:00AM, 9:00AM pa raw sila magbubukas. Naghintay ako. Me dumating at nagsabing sarado sila pag Lunes. Tinanong ko kung kelan pa sila sarado, sabi ni Gardo Ermingard (guard sa salitang bayot) na pag may nakasabit na RESERVE. Kelan yon, kako. Pag nakita ko na lang daw.
Sa Sta. Ana me swimming pool din. Pero kulay wasabi.
Nakalimutan ko rin one time ang pakikipaghuntahan kina Kaletra at Kivexa. Tyak na maloloka na naman si Kenny, ang aking dactor from the KB (Kowloon Bay kung saan makikita ang MEGABOX Department Store at ilan pang mga factory outlets ng mga kilalang brands except Martin Margiela at Comme de Garcon.)
Twi, Walang Panahon sa Wealth
Ilang araw nang ganito. Gising sa umaga. Baba sa hapag-kainan. Magbihis matapos kumain. Mapangahas na pagtawid sa makamandag na Quezon Avenue kasi walang malapit na overpass. Bayad ng PHP20 sa tricycle. Bayad ng PHP60 sa lunch.Okey lang naman. Pero karaniwan. PHP1,000 sa isang tanghalian. PHP500 sa isang hapunan. PHP200 sa taxi.
Hindi lang ako ito. Kasama ang mga kaibigan, kamiting, kapamilya, kapuso at mga mahal sa buhay.
Namili ako minsan sa Parco. Kendi. Cupcakes. Kalabasa seeds. Jellyace. Jus. Presyo: PHP400.
Marami akong dapat ikabahala ngayon. Ang pag-amin ng mga compulsive liars sa US na economically depressed sila. Ang gyerang nagaganap sa Mindanao. Ang tila standstill na kalagayan ng demokrasya sa Burma. Ang pagdoble ng mga may HIV+ sa Maynila at ang fact na age range nila ay 18-26.
Na call centers pa rin ang puntahan ng mga graduates. Ng mga undergraduates. Ng mga professionals.
Maraming dahilan para mabahala. Pero ayokong magsawalang-bahala.
Walang magagawa si batman.




