Ayokong magblog ng stress.
Lalo na't marami sa mga blogger friends ko ang sad and separated.
Lalo na't marami sa mga kasama ko sa conference hosting committee ay either may sakit, may emote o naglalaba ng damit.
Lalo na't marami sa mga international participants ang nagrerequest ng dagdag sa subsidy ng kanilang air fare NG mahigit 100US$ EACH! EACH!
Lalo na't marami pa ring papers ang hindi napiprint at tila pupugak-pugak pa ang photocopier na tila ba noong kapanganakan ko nadiscover.
Lalo na't marami pang dapat bayaran at puro utang na libu-libo ang hawak kong pera.
Lalo na't singkapal na ata ng Cream Silk Revitalizing Conditioner ang plema ko sa lalamunan, lungs at wherever.
Lalo na't overpopulated na ng kamot ang bruised braso ko, ng black heads ang pimpled pisngi ko, ng kalyo ang ginger feet ko.
Lalo na't marami pang dapat gawin na hindi pa nagagawa. Lalo na't marami pang dapat kausapin na hindi pa nakakausap.
At wala pa ang gagawa. At wala pang makikipag-usap.
Kung hindi ako. Sa ngayon.
Wag sanang kumulot ang buhok ko, bumagsak ang luha ng bigla-bigla at magtatakbo sa kahabaan ng Quezon Avenue.
Kaya ko 'to.
----
Nagawa nga ng mga baklang tumindig ng maayos at me dignidad mula sa pagkakasadlak sa putikan dulot ng pagtulak sa kanila ng hindi naman sinasadya kahit sinasadya ng mga mahal nila sa buhay.
Nagawa nga nilang magpahid ng luha gamit ang naputikang kamay.
Nagawa nga nilang ngumiti at manatiling maganda.
May ganda sa dignidad. May ganda sa pagbangon. May ganda sa pagtindig.
Talo pa si Miriam Quiambao.
Oct 23, 2008
Oct 8, 2008
Purified
Paano mo ba malalamang fulfilled ka? O sige, kahit maligaya man lang?
Kapag nakapagpost ka ng bonggang bongga sa blog - kahit walang nagcomment?
Kapag nagkaron ka ng karelasyon kahit walang sex?
Kapag nakakain ka ng lumpiang sariwa kahit hindi ka kumakain ng gulay?
Wednesday last week, maligayang maligaya ako.
Kasi nakita ko ito.
Kapag nakapagpost ka ng bonggang bongga sa blog - kahit walang nagcomment?
Kapag nagkaron ka ng karelasyon kahit walang sex?
Kapag nakakain ka ng lumpiang sariwa kahit hindi ka kumakain ng gulay?
Wednesday last week, maligayang maligaya ako.
Kasi nakita ko ito.
Subscribe to:
Posts (Atom)
