
Hindi ako maarte pero gusto kong makipag-date.
Gusto kong pag-aralan kung paano ba maghanda para sa isang date – late night movie at Rockwell man o dinner sa may estero ng Escolta.
Mula sa dami ng toothpaste na ilalagay sa sipilyo hanggang sa mismong pagpaplantsa ng medyas at ang pinakamalinis at bacon-free underwear.
Mula sa pagme-mental outline ng mga topics for discussion hanggang sa amount of haha’s na lalabas sa bibig kapag tumawa (with the right level of modulation.)
Mula sa pag-aaral ng tama at di nakapupuwing na pagtingin sa mga mata hanggang sa wastong paghalukipkip sa palaging pumipilantik na mga pinkies.
At marami pang iba.
Nasanay kasi akong makipagkita sa mga taong walang pakialam kung magkaterno ang sinturon at sapatos, tikom ang bibig kapag nakikipag-usap o hindi nakikipag-eye contact dahil laging nakapikit.
Nasanay akong makipag-usap sa dilim. O hindi makipag-usap. Nasanay akong makipag-flirt sa taong hindi ko nakikita. At walang saplot.
Ngayon, gusto kong ma-experience ang ibang level ng pakikipag-niig. Kung saan ang national costume ay mahalaga at plantsado (10%), signipikante ang talent sa pagiging on-time at iba pang good manners at right conduct values (20%), skill sa question and answer portion (30%), at ang mismong audience impact with matching personality to boot (40%).
Syempre, finding the date is a different thing. Isa sa mga bagay na hindi masasagot ni Madam Kollerman.
